Sunday, August 30, 2009

Paglaya

Gumising ako na may bakas ng lungkot sa mukha. Hanggang ngayon kasi ay nahihirapan parin ako. Hindi ako mapakali sa bawat oras na maiisip ko kung ano na bang mangyayari sa atin. Gulung-gulo ang isip ko kung dapat pa ba akong magtiyaga o hayaan ko na lang na lumipas na naman ang pagkakataon...

Mga bandang tanghali, sinilip ko ang aking e-mail. Kinabahan ako dahil mayroong bagong mensahe. Hindi ko alam kung ano ang laman ng mensaheng ito ngunit alam kong tungkol ito sa matagal ko ng inaasam. Binuksan ko at binasa ang nilalaman ng mensahe. Mayamaya pa'y... Tumalon ako sa tuwa!


"WOOOOHOOOO! Pasado na ako, hindi na kailangang mag-oral exam!! Nakalaya rin ako sa'yo CALCTRI!"


Tapos na rin ang kalbaryo ng buhay ko :3

No comments:

Post a Comment