Siguro nga hindi patas ang buhay ng tao. Nangangarap tayo na makamit natin ang mga bagay na gusto nating makamit pero kahit na ginawa mo na ang lahat ng makakaya mo papalpak ka parin sa huli. Ang saklap ano? Ngayon, unti-unti kong napapansin na isa-isa ng nagiging malayo ang mga pangarap ko. Suntok sa buwan, ika nga. Biruin mo ginawa mo ang lahat para may mapatunayan ka pero sa bandang huli, sumablay ka parin. Bakit ganon? Bakit kahit na pinaghihirapan mong makamit ang mga iyon ay parang lumalabas pa na hindi para sa iyo ang pangarap na iyon. Sadya ba akong ipinanganak na malas? Nanghihina na ako, parang gusto ko ng sumuk pero alam kong makakaya ko pang gawing katotohanan ang lahat. Siguro hindi pa lang ito ang takdang panahon para makamit ko iyon.
Magpapahinga na lang muna ako pansamantala. Siguro kapag may lakas na ulit akong simulan ang bagong hakbang, saka ko ulit susubukang suyurin at kamtin ang landas patungo sa pangarap kong ito. Ang problema ko lamang ay kung papaano ko ito ipapaalam sa kanila sa. Hiyang hiya na ako. Parang nawawalan na ako ng utang na loob sa kanila. Kung aabot lang ako siguro gagawin ko na talaga eh ngunit ayoko ng lokohin ang sarili ko. Hindi talaga ako aabot, at siguro magsisimula na lang akong muli. Hihingi na lang akong muli nang isa pang huling pagkakataon, isa pang taon para makamtan ko ang aking pinapangarap.
No comments:
Post a Comment