Biyernes ang araw na lagi kong hinihintay. Ito ang araw na kung saan ay may pagkakataong magkita-kita kaming magbabarkada. Makakapag kuwentuhan kami tungkol sa mga bagay bagay; masasayang nangyari, kalokohan at kahit problema pa. Kasabay no'n ay ang pag-inom namin ng alak na lalo pang nagpapasaya ng bawat kuwentuhan.
Sa buong linggo, Biyernes lang talaga ang pinaka inaabangan kong araw. Ang araw na nagdadala sa aming magbabarkada sa mundong walang katulad.
No comments:
Post a Comment