Friday, July 9, 2010

Magulo

Naguguluhan parin talaga ako. Hindi ko maintindihan kung bakit mo sinabing ako yung nagke-care sayo at sana ako na lang, pero wala talaga. Alam mo mas mabuti pang hindi ko nalaman na iniisip mong sana ako na lang kung kahit anong mangyari eh wala akong magagawa para maging tayo. Mas maayos sana yun kasi hindi ko alam na nararamdaman mo at naiisip mo yun kasi hindi ko rin mararamdaman at maiisip na posibleng may pagkakataon pang maging tayo.

Isa pa ay yung "whatever will be, will be" mo. Ang sabi mo lahat kasali doon. Ex mo, bestfriends mo, friends, acquaintances at kahit bagong kaibigan. Pero bakit nakasarado sa akin ang puso mo? Pano nangyaring lahat kasali kung hindi naman pala ako kabilang dun? Mabuti pa din sanang hindi mo na lang sinabing kasama ako kasi mas matatanggap ko yun.

Mahal na mahal kita. Lahat ginawa ko para maipakita at maipadama iyon sa iyo. Pero hanggang ngayon, wala parin akong lugar diyan sa puso mo. Kahit na naiisip mong sana ako na lang, pilit mong isinasara ang puso mo para sa akin. Hindi ba ako karapatdapat sa pagmamahal mo? Mabuti pa yung taong bagong dating sa buhay mo, kahit may karelasyon eh nagustuhan mo dahil sa mga ginagawa niya para sa iyo. Tangina! Halos araw-araw nandiyan ako sa inyo dati. Kapag kailangan mo ng kausap, nakakausap mo ako. Sinasamahan kita mananghalian kapag break mo. Halos araw-araw pinapadama ko kung gaano ka kahalaga sa akin pero bakit sa sandaling panahon na nakasama mo siya ay nahulog ka kaagad? Pero ako, ano, kahit na naiisip mo yung mga bagay na sinabi ko ay hindi mo parin ako natutunang magustuhan. Nihindi mo ako pinagbuksan ng puso.

Kung talagang hindi mo na ako magagawang mahalin kahit anong mangyari eh dahan dahan kong iiwasan ang mga bagay nagbibigay sa akin ng pag-asa. Dahan dahan din akong lalayo para unti-unti akong makawala sa pagkasanay ko sayo, sa pagiging komportable sa'yo. Hindi ko na kasi gustong maging gamitan, pagod na ako. Nate-take advantage na naman ang kabaitan ko, at yun ang kahinaan ko. Nasasayang lang ang oras ko sa tuwing sasamahan kita kung wala naman palang mangyayari. Isipin mo ng cold ako pero yun ang tanging paraan para mas maing maayos tayo. Magkalayo man, magiging masaya ka naman kahit na hirap na hirap ako. Bahala ka na sa gusto mong mangyari sa ating dalawa, basta ako tuloy lang ang agos. Kakalimutan ko ang nakaraan at haharapin ang kinabukasan, kasama man kita o hindi.

Salamat. Mahal kita. Paalam.

No comments:

Post a Comment