May ilang araw na din mula ng aking masabi
Ang sikretong kay tagal ko ding ikinubli
Utal-utal kong naihayag, sa kaba'y muntik pang maihi
Rinig mo nga yata ang kaba sa aking puso
"Ewan, bahala na" ang tanging nasabi sa sarili
Eto na ang pagkakataong minimithi
Na masambit ang mga katagang "Alam mo, ikaw ang aking gusto"
Di ka man agad naniwala nung umpisa
Eh ano naman, basta't totoo ang aking pagsinta
Lalo pa nga akong nabuhayan, lahat handang patunayan
Abutin man ng siyam-siyam, naghihintay naka nganga
Relo man sa buong mundo ay maubusan ng bateriya
Ang pag-ibig ko sayo'y di biro at walang hanggan
No comments:
Post a Comment