Tuesday, March 3, 2015

030315

Hi! Oo, late na ako nakapagprepare ng letter. Hindi nga ito talaga counted as letter eh. Bakit nga ba hindi ako nakagawa kagabi samantalang late na din naman ako nakatulog? Hindi ko na nga maalala ang dahilan.

Kagabi, sobrang saya ko. Hindi lang dahil sa nasarapan ako sa pagkain at nabusog ako kundi dahil na din sa nakapag-spend ako ng oras kasama kayo. Narealize ko nga na pareho kayo ni nanay magkwento eh haha! May pinagmanahan ka pala ng pagkukwento mo. Nakita ko din yung mga super cute pictures mo nung bata ka pa. Pero di talaga aakalain na gaganda ka ng ganyan. :P

Salamat nga pala at inanyayahan mo ako na makasalo ko kayo sa hapunan. Natuwa talaga ako sa mga napagkwentuhan natin sa nung mga oras na yun. Narinig ko din ang mga daing ni nanay na feeling ko nga ay muntik na siyang umiyak sa isa sa mga kwento niya.

Sa totoo lang, mas minamahal kita ngayon dahil sa nangyari kagabi. Sobrang na-appreciate ko yung effort na gusto mong magkasama kami ni nanay. Natuwa ako kasi alam kong sinusubukan mo akong ipasok sa buhay ninyong dalawa ni nanay. Alam kong mahirap yun para sayo lalo na at over protective si nanay sayo.

Masaya ako na unti-unting bumubuti ulit yung sitwasyon. Nakikita ko na mas nagbibigay ka talaga ng effort. To the point nga na parang napupuna ko yung sarili ko kasi parang ako naman ang nagkukulang. Pero sa kabila ng lahat, alam kong mahal na mahal mo ako. Na mahal na mahal natin ang isa't isa. Kaya sana hangga't kaya nating ayusin, hwag tayong bibitaw. Kung ako lang ang masusunod, gusto ko sana ikaw na talaga ang aking pang habang buhay. <3

-Mikko

No comments:

Post a Comment