Friday, June 19, 2015

Mga Bagay-Bagay Part I

Hindi naman ako expert sa panliligaw or sa kung ano mang kinalaman sa pag-ibig, pero madami ang humihingi ng payo sa akin sa aspetong yan. Wala naman akong sapat na experience pero sadya lang yatang madali akong matuto sa mga nababasa, napapanood, nakikita sa mga kaibigan ko, o kaya naman ay ipapayo nila din mismo sa akin. Eto ang ilang madalas na tanong sakin at sagot ko sa mga katanungan nila.


Kelan ba ako dapat magmahal?

Ang madalas kong sagot dito ay yung nakuha ko mula sa isang show sa youtube, na dapat kang magmahal kapag nineteen ka na. Kapag nineteen-dihan mo na ang mga bagay-bagay.

Ano yung mga bagay bagay na yun? Na ang magmahal ay hindi madali. Na ang pag-ibig ay hindi laging masaya at happy ending. Na ang tunay na pag-ibig ay hindi gaya ng isang pelikula o teleserye.

Ang tunay na pag-ibig ay masakit. Ang tunay na pag-ibig ay mapait. Ang tunay na pag-ibig ay pinagsisikapan.

Sa madaling salita, pwede ka ng magmahal kapag handa ka ng mawasak sa pag-ibig. Kapag kaya mo ng makabangon mula sa sahig kapag lumagapak ka at hindi ka sinalo ng taong mamahalin mo. Kapag handa ka na sa ganon, malamang nineteen ka na.


Paano ba masasabing 100% ang pagmamahal niya sa akin?

Sa totoo lang, lahat naman yata ng tao ay nagmamahal ng buo. Nagmamahal na binibigay ang lahat ng makakaya. Kaya lang, magkakaiba kasi tayo ng standards. Maaari kasing ang 80% ng isang tao ay 100% na para sa iba.

Ibig sabihin, magkakaiba ang 100% na yan. Pwedeng para sa kakilala mo ay 100% maghapon magdamag pinagsisilbihan niya ang mahal nya. Sa iba naman ay tama na ang makumusta ko siya sa oras na sabay kami kumain. Magkakaiba nga kasi tayo ng abilidad pagdating sa pagmamahal.

Magkakaiba din kasi tayo ng inaasahan sa taong mahal natin. Magkakaiba tayo ng expectations. Maaaring yung ilan ay masaya na sa simpleng text na "Good morning mahal!" Maaaring yung iba naman ay hindi liligaya hangga't hindi nakatatanggap ng mamahaling bulaklak at tsokolate sa taong mahal niya. Pero hindi ibig sabihin na hindi yun magawa ng taong minamahal mo ay hindi ka na niya mahal. Dahil sa magkakaiba nga ang kayang maibigay ng bawat tao.


Gusto ko siya, kaso ayaw kong masira ang friendship namin. 

Ito ang madalas na misconception ng mga tao pagdating sa relationships. Na porke magiging magboyfriend o girlfriend kayo ay masisira na ang friendship nyo. Hindi ba pwedeng mag-stay as friends kayo kapag nasa relationship na kayo?

Ang love ay nagsisimula talaga sa friendship. Pero hindi dapat mauna ang takot na masira ang pinagsamahan nyo kung papasok kayo ng relationship. Kasi ang love, puno ng risk yan. Para yang sugal na kelangan mong mag-take risks para malaman mo kung mananalo ka ba o hindi. Ang love ay parang game na kelangan mong gumawa ng paraan para mapanalunan yung jackpot prize.

Hindi ko sinasabi na paglaruan mo yung taong mahal mo. Masama yun, ang maglaro ng emosyon ng iba. Ang sinasabi ko ay kelangan mong pagdaanan yung buong process ng love para makamit mo yung inaasam-asam mong matamis na "Oo."

Payo lang sa mga madalas na nakakapag-isip ng ganitong bagay. Well, napulot ko lang din ito sa kung saan. "Aanhin mo ang friendship, kung ang hinahanap mo naman ay relationship?"


Dapat ba akong makipagkaibigan sa ex ko?

Ito ay dipende sa sitwasyon. Dipende kung papaano kayo naghiwalay. Dipende kung matinding sakit ba ang naramdaman mo mula sa kanya.

May mabigat na dahilan kasi kung bakit kayo naghiwalay. At para sa akin naniniwala ako na kung magwo-work out talaga ang relationship nyo, dapat nung una pa lang ay nag-work out na ito.

Nasa tao talaga kung gugustuhin pa niyang makipag kaibigan sa ex mo. Pero ako kasi ay naniniwala na kapag nag-stay kayo as friends, baka mahirapan kang mag-move on. Ako ganyan ako. Kasi as long as friends pa din kami, tatakbuhan ka pa din niya kapag may problema siya tapos ay laging to the rescue.

Tapos hindi din maaalis sa isipan mo na umasa at mas malala yun. Kasi lagi kang magbibigay ng malisya sa mga ginagawa nyo o kaya ay mga ginagawa niya for you. Tapos mas masakit yun kasi sa kanya ay pang friends talaga yung bagay na yun. Mararamdaman mong parang taken for granted ka.

Huling dahilan kung bakit hindi ako nakikipagkaibigan ay dahil hinding hindi na maibabalik sa dati pa yung samahan nyo. Laging merong part sa katauhan mo na magpapaalala sayo na nasaktan ka o kung ano mang nangyari sa inyo. Pero yun nga, sa huli, ikaw parin ang magdedesisyon kung gusto mong makipagkaibigan o hindi.


Marami pa akong mga madalas natatanggap na tanong. Pero hanggang dito na lang muna dahil maramin pa din akong bagay na kailangang tapusin.

No comments:

Post a Comment