Parang napakalungkot pagmasdan
Ang pagbuhos niyang tila walang hanggan
Hangin nitoy parang tatangayin lahat ng madaanan
Lubos na ikinababahala ang ulap na dala mo
Tila yata kay dilim, walang liwanag na madaratnan
Hatid man nito'y kalungkutan
Lamig na tila nanunuot sa kalamnan
Ngunit dahil sayo, nag-iba ang tingin ko sa ulan
Dahil sa pagdating sa huling patak nito,
Tanging ngiti mo ang aking mapagmamasdan
No comments:
Post a Comment