Hindi naman sa kailangan ko ng mag-aalaga pero iba parin siyempre yung nararamdaman mo yung haplos ng isang minamahal. Hindi naman sa sinasabi kong hindi ko mahal ang mga magulang ko pero iba lang talaga ang ligayang nadarama ko kapag alam kong siya yung nasa tabi ko.
Gusto ko na siyang makasama. Sabik na akong maramdaman muli ang yakap niya. Kahit na nung isang araw ay parang nasungitan ko pa yata siya. Sadyang makirot lang yung likod ko noon. Hindi ko na magawang maghintay pa.
Kung pwede lang na mabiyahe na ako ay gagawin ko. Kaya lang sigurado akong hindi ko na siya aabutan sa opisina eh. Hanggang text, chat o tawag na lang muna ulit ako. Tutal isang tulog na lang naman at muli ko na siyang masisilayan.
Ilang oras na lang at muli ko nang masisilayan ang aking pinakamamahal.
No comments:
Post a Comment