1. Walang class ang iyong pagpapa-sexy
Oo nga at hindi naman lingid sa nakararami na mahilig kaming mga lalaki sa mga mapuputing legs at plunging necklines pero ibang usapan na kung halata namin na nagpapapansin ka lang kaya ka nagpopost ng mga sexing litrato mo sa Facebook. Ni hindi mo manlang inisip kung anong itsura ng suot mo, kung saan ka nag-se-selfie, o kung ano man ang nasa background mo. Wala kang class, PWE!
2. Puro ka drama
Malaking turn-off sa aming mga lalaki ang sobrang madramang babae. Kaya nga kami hindi mahilig manood ng mga teleserye eh, kasi ayaw namin ng drama. Well, may drama din naman kami sa buhay pero tangina naman. Hindi naman namin hinangad na pati ang drama mo ay ipangalandakan mo pa sa Facebook. Tapos kapag tinatanong ka pa kung anong problema mo ikaw pa galit? Nyeta.
3. Sandamalmal ang status post mo
Una sa lahat, hindi sa'yo umiikot ang mundo namin. Kaya kami gumawa ng Facebook ay para maging kontektado sa mga kaibigan namin, mga kaibigan namin. Medyo masakit din sa ulo na maghapon naming mababasa ang lahat ng ginagawa mo, iniisip mo, at opinion mo sa isang bagay. Hindi ako nag-Facebook para lang malaman ko kung anong klase ng lipstick ang ipinahid mo sa labi mo at lalong-lalo nang hindi ko gustong malaman ang lahat ng kakainin mo sa buong maghapon. KTHXBYE.
4. Wala kang ibang post kundi yung idol mong artista o paboritong banda mo
Hindi naman masama na mahalin mo ang mga idol at paboritong banda mo. Pero sa oras na puro sila na lang ang nasa Facebook wall mo, medyo nakakairita din yun minsan. Hindi naman kasi lahat ng kaibigan mo sa Facebook ay gusto si Justin Bieber at si Daniel Padilla kaya please lang, maawa ka naman sa amin.
5. Ayaw ka na naming maging kaibigan
Simple lang naman siguro ito. Sadyang ayaw na lang namin na magkaron ng koneksyon sayo dahil sa alin mang halimbawa na babanggitin ko:
- Ex-boyfriend mo siya at hindi maganda ang paghihiwalay ninyo.
- Na-friendzone mo siya at ayaw na niyang maging kunektado pa sayo.
- Madalas mo siyang ma-seenzone at na-realize niya na nag-aaksaya lang siya ng oras sayo.
- Kung crush mo siya, baka hindi ka type.
- Pwede din namang hindi ka lang nya talaga trip bilang isang kaibigan.
Pasensya na kung may nasaktan man sa nailathala kong blog ngayong araw na ito. Sadyang yan ang totoo at masakit talaga malaman ang katotohanan.
No comments:
Post a Comment