Saturday, January 2, 2016

2/31

Pangalawang araw na pero hindi parin kami nagkikita. Mabuti na lamang nga at may Skype kaya nakapag usap kami kahapon. Ramdam ko ang pagkamiss namin sa isa't isa, yung tipong kahit may ginagawa kami ay nagusap kami sa pamamagitan ng video call.

Ang saya nun sa pakiramdam. Kasi para bang walang makakapigil sa pagmamahalan namin. Yung hobbies ko man o yung kanyang gutom. Mahal na mahal namin ang isa't isa at wala na akong mahihiling pa.

Paniguradong magandang simula ito ng 2016. Madami kaming plano na sana ay masimulan ng tama at maisakatuparan ngayong mga unang buwan ng taon. Alam kong magagawa namin yun basta't kami'y magkasama at nagtutulungan.

I love you dearlove ko! See you tomorrow!

No comments:

Post a Comment