Friday, July 6, 2018

Meryenda

Kay bilis talaga lumipas ng oras
Di ko man lamang namalayan
Ika-tatlo na pala ng hapon
Meryenda na sa loob ng labing limang minuto

Wala namang gutom na dinaranas
Tiyan ko'y marami pang laman
Yun nga lang, puso ko'y di makatalon
Dahil sa may malaking puwang ito

Walang kapantay tamis mong pinamalas
Hanggang ngayo'y ikaw parin ang nais pagmasdan
Maghihintay mabigyan ng isa pang pagkakataon
Para sa pagmamahalang wagas at totoo

No comments:

Post a Comment