Alam mo kasi nagkakalokohan na tayong dalawa. Hirap na hirap na ako. Pilit kong iniintindi ka, pilit kong kinikilala ka pero hindi talaga kita matimpla. May araw na magkasundo tayo pero madalas parang wala lang. Ayaw ko naman ng ganon dahil nahihirapan talaga ako. Ayaw ko na ganito lang tayo. Gusto kong maging higit pa ako sa kung anong tingin at turing mo sa akin. Hindi ko alam kung alam mo yun pero tuwing nalilito ako sa sitwasyon ay pinipili ko na lamang na lumayo. Nasasaktan kasi ako eh. Gusto ko ng makalaya mula sa'yo. Gusto kong mawala ka na sa buhay ko ngunit may isang linggo pa bago ka tuluyang mawala at malimutan. Pero mas mabuti sana kung hindi na ako maghihintay pa ng isang linggo at mas gugustuhin ko na bukas paggising ko ay wala ka na at wala na rin ang mga alalang nasa isipan ko tungkol sa'yo. Pinipilit kong magtiis pero habang tumatagal ay lalong humihirap... Sana ay madaling kalimutan ang lahat... Sana magkalimutan mo na tayo...
..CALCTRI! Lubayan mo na ako please! Ang sakit na ng ulo ko sa'yo! Hindi ko na kaya! x.x
haha! kala nyo siryoso 'no? x3
HEH! kalokohan an huwala! biset x(
ReplyDelete