Magandang araw pre. Kamusta ka? Alam kong hindi ka nakatulog ng maayos. Alam ko ding pinipilit mong maging maayos ang araw mo. At lalong alam ko na pinipilit mo lang ngumiti sa kabila ng lahat ng kalokohang nagawa mo. Pre, kilala kita kaya wag mo na akong lokohin. Alam kong magaling kang magkunwari na baliwala lang ang lahat ng nangyari pero alam ko kung ano ang totoo. Mas magaling ako sa'yo dahil alam ko kung anong tunay mong nararamdaman.
Hindi kita maintindihan pre. Natatandaan mo pa ba kung ano yung unang naramdaman mo simula nung dumating ka sa kinalalagyan mo ngayon? Hindi ba't pinangarap mong makilala siya at mapalapit sa kanya ng husto dahil lang sa nagandahan ka sa kanyang ngiti? Eh anong nangyari na ngayon pre? Nakilala mo na siya pero bakit tila yata sumusuko ka na?
Sabi mo noon iba siya sa mga babaeng nakilala mo. Tama ka naman doon, iba siya kasi hindi ka pa nakakilala ng kagaya niya na sobrang positive ang tingin sa buhay. Na kahit na may nagawang kasalanan sa kanya ang isang tao, hindi niya magawang magalit ng husto. Alam kong nawiwirdohan ka nung una kung bakit ganon siya pero natutunan mong intindihin siya. Nakita mo na sakabila ng lahat ng kamalian, meron paring kabutihan. Pero bakit ganyan, bakit mo siya binitawan ng ganun na lang?
Sabi mo noon kaya mong maging masaya kahit na hindi niya masuklian yung pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya. Oo, nung una talagang tanggap mo na hanggang dun lang ang kaya niya. Na kahit hindi siya maging sweet sa'yo ay ayos lang basta pinapatunayan mong mahal mo siya. Pero anong nangyari pre? Bakit tuwing hindi niya magawang lambingin ka ay nagagalit ka at kung anu-anong naiisip mo?
Naiisip mo na ba ang malaking kapalpakan na ginawa mo? Pre, hindi naman sa lalo kitang sinisiraan ng loob, pero sobrang sablay nung ginawa mo. Hindi ka dapat nagpadala sa masyadog pagiging negative mo. Hindi ka dapat nagbitaw ng mga salitang hindi mo gusto. Umamin ka, hindi mo naman gustong ipagtabuyan ka niya hindi ba? Kasi alam natin pareho na mahal na mahal mo siya at umaasa ka paring maayos ang lahat.
Alam kong hindi mo ugali na balikan ang iyong nakaraan. Alam kong hindi mo ugali na buksan ang pinto para magkaron ng bagon chance. Pero payong katropa lang, hindi sila ang sinasaraduhan mo. Ikinukulong mo ang sarili mo sa isang kwartong madilim. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. Hindi ka tanga pre. At lalong hindi ka bobo. Alam kong alam mo na mahal ka niya kagaya ng pagmamahal na inialay mo sa kanya. Masyado ka lang bulag kaya hindi mo ito makita.
Masakit hindi ba? Masakit na marealize mo na tama ang mga sinasabi ko. Huwag ka kasing mag-astang bakal kung alam mong hindi ka naman talaga ganyan. Mahal mo siya, hinding hindi mo maikakaila yan sa mga taong nakapalibot sayo. Pinili mo ngang magtagal sa opisina mo ngayon kasi mas pinipili mong makasama siya araw-araw. Kaya hwag kang magpaka engot diyan at kumilos ka pre. Alam kong nasabi mo sa kanyang pilitin ka niyang itulak palayo kapag lumalapit ka. Pero subukan mo parin dahil hangga't hindi pa huli, mayroon pang pagkakataon na magsimulang muli.
Kung hindi mo pa din halata, at kung nagbubulag bulagan ka parin. Pre, ako na ang magsasabi sayo. Mahal na mahal ka niya. Hindi mo ba nakita kahapon na lungkot na lungkot siya pagkatapo niyong mag-usap? Hindi mo ba alam na kahit na sobrang sakit ay nag-aalala parin siya sayo kasi alam niyang mag-iinom ka at magmamaneho? O, alam mo naman pala eh. Kaya subukan mo. Bigyan mo ng isa pang pagkakataon. Kasi ang totoo naman, hindi ka nagbibilang ng pagkakataong ibinibigay mo sa bawat taong nakapalibot sayo. Lalo na sa kanya, alam natin parehong isa siyang malaking exception sa mga rules and regulation ng buhay mo. Ewan ko ba sayo at nagkukunwari kang hindi.
Ano ba talaga, mahal mo naman hindi ba? Kaya nga nagtataka ako bakit pinili mong tapusin ang lahat ng hindi ka man lang nag-iisip ng malinaw. Sinabi ko na sayo noon, hwag kang sumobra ng pag-iisip. Alam mong hindi maganda ang maidudulot nun sa'yo. O, o, teka muna. Baka magpadalos dalos ka na naman? Papayuhan muna kita ng malupit at sana naman ay makinig kang mabuti at isa buhay mo.
Ayusin mo muna ang sarili mo bago ka humarap sa kanya. Oo, alam kong sinasabi kong makipag-ayos ka at subukan niyong magsimulang muli. Alam kong ang bawat oras na lumilipas na hindi mo siya sinusuyong pabalik ay milya milyang layo ng agwat sa'yo ang katumbas noon. Basta ayusin mo muna ang sarili mo. Hindi ko sinabing magpa pogi ka at maligo sa pabango. Ibig kong sabihin ay alisin mo muna yung ugali mong sobrang mag-isip. Alam kong magiging matagal yan kaya nga sakto din na hindi ka niya masyadong pinapansin ngayon. Kunin mo ang mga oras na yan para baguhin ang ugali mong yun.
Ang totoo naman kasi nyan ay hindi dahil sa hindi ka na napagbibigyan ay hindi ka na niya mahal. Oo nga at laging siya ang inuuna mo sa lahat ng bagay pero paano kung hindi siya ganung tao? O, alam mo naman palang hindi siya ganun bakit ka naghahanap ng isang bagay na hindi naman niya kayang ibigay sayo? Alam mo para kang umorder ng Chicken Joy niyan sa McDonalds eh. Alam mong walang ganun pero yun ang hinahanap mo.
Hindi ba alam mo din naman na wala yun sa quantity, nasa quality? Kaya bakit hindi mo ma-apply sa inyo yan? Oo nga at hindi mo nakikita yung excitement na nakikita mo sa kanya kapag bumabati sa iba, alam mong hindi ko din yun talaga maintindihan sa kanya. Kaya isipin mo na lang yung quality ng dates nyo. Hindi ba may malaking ngiti ka naman sa bawat gabing iyon? Hindi naman sa sinasabi kong hindi mo pinapahalagahan yun pero yun na lang ang bigyan mo ng pansin. Kasi sigurado naman tayo na sayo lang siya ganun. At alam natin na may magandang ngiti din siya sa bawat maliligayang oras na magkasama kayo.
Siguro naman tama na itong liham kong ito para sayo, kaibigan. Alam kong pinagsisisihan mo na ganun mo lang kadaling itinapon ang diyamanteng matagal mong inasam-asam. Pero subukan mo paring pulutin at paka-ingatan muli. Dahil alam kong hindi pa naman ito ang huli.
Ngayon kung hindi ka niya tanggapin ng bukas palad, pasensyahan na lang pre. Kasalanan mo naman kung bakit nagkaganyan. Tanggapin mo na lang na talagang nasa huli ang pagsisisi. Tanggapin na lang natin na hinayaan nating masayang ang isang bagay na lubos nating minimithi.
Mahal mo siya. Alam kong mahal na mahal mo siya at wala kang ibang bagay na hinangad kundi ang maging masaya siya. Kaya masakit man, ikaw ang dahilan ngayon kung bakit pareho kayong nasasaktan. Tanggapin na lang natin ang katotohanang yan.
--Iyong kaibigan
No comments:
Post a Comment