Bagong araw, parehong kwento.
Isa to sa talagang nagpapahirap ng sitwasyon ko. Yung alam mong gigising ka kasi bagong araw na naman pero pareho lang din naman ang nangyayari sa buhay mo. Paulit-ulit lang. Gising, kain, problema, kain, problema na naman, tulog. Bukas ganun ulit.
Ewan ko. Hindi na ako siguro naniniwala sa tunay na ligaya kasi kahit ano namang pilit mo na pasayahin mo ang buhay mo, may mangyayari paring hindi mo gusto. Oo, masaya naman ako at may mga kaibigan akong nandiyan parin. Maasahan mo sa kalokohan lalo na sa inuman. Pero hindi yun sapat kung alam mong may pinupunan kang puwang sa buhay mo.
Talaga yatang hindi mo maaaring makuha ang mga bagay na gugustuhin mo.
Tiwala, ano yun?
Isa pa tong tiwala na yan. Mahirap ng magbigay ng tiwala lalo na kung alam mong paulit ulit ka din namang sinasaktan nung isang taong yun. Mahirap maniwala sa mga salitang binibitawan niya lalo na kung nagdududa ka na kasi alam mo namang wala ng mangyayari.
Kagaya sa kalagayan ko. Ilang beses ko ng sinubukan na paniwalaan ang salita ng isa sa mga kaibigan ko. Na titigilan na niya ang isang bagay na hindi normal para sa pangkalahatan. Oo nga at nangyayari na yung bagay na yun sa realidad. Pero hindi ibigsabihin nito ay tama yung bagay na yun.
Minsan nakakasawa ding magtiwala, kung alam mong sa bandang huli ay masisira lang din naman.
Mahal mo siya, mahal ka din ba niya?
Isang malupit na tanong. Mapapaisip ka namang talaga kapag sinabihan ka ng ganyan. Ganyan kasi ang sitwasyon ko ngayon. Hindi ko sigurado kung mahal nga bang talaga ako ng taong minamahal ko. Ang hirap kasing paniwalaan ang mga salita kung nakikita mo naman na baliwala ka lang sa kanya kapag kaharap ka niya.
Yun din kasi ang mahirap eh, yung napapalingon ka sa CCTV screen tapos makikita mo na tuwang tuwa siyang makipag-usap sa iba. Samantalang kapag ikaw na ang lumapit, parang wala ka lang sa kanya. Siguro nga hindi ako exciting na tao, siguro nga ay boring ang lahat ng sasabihin ko, pero sana naman ay sabihin mo na lang sa mukha ko kaysa iparamdam mong wala akong kwenta para sayo.
Siguro nga ay hindi siya yung para sa akin. Siguro nga ay mabuti pang tapusin na lang habang maaga pa. Kasi sigurado ako yun din ang gagawin nyo kung kayo ang sa sitwasyong ganito.
Marami ang nagsasabing hindi pa ending kung hindi ka pa happy. Pero kung hindi ka na happy, bakit hindi mo pa i-end ang story?
No comments:
Post a Comment