Sunday, October 18, 2015

Bagyo

Nakakatamad ang araw na ito
Sobrang lamig dahil may bagyo
Masarap uminom ng alak na may yelo
Pero yakap mo ang hinahanap hanap ko

Titila na kaya bukas ang araw?
Bughaw na ulap ay nais ko ng matanaw
Gusto ko ng maalis ang ginaw
Pagkat nais ng makita ang nag-iisang ikaw

Lumihis ka na bagyong Lando
Tigilan na ang pananalanta mo
Lisanin mo ang bansa kong ito
Gusto ko ng makasama ang mahal ko

...miss na kita o Dearlove ko...

No comments:

Post a Comment