Monday, November 9, 2015

Two-Nine-Nine

Alam kong nagiging pabaya ako
Pagdating sa pagsusulat at pag-popost ko
Hirap kasi akong isingit ito sa panahon ngayon
Pero kahit ganon hindi ka naman naaalis sa aking isipan

Minsan nararamdaman kong naghahanap ka
Sa mga simpleng bagay na alam kong natutuwa ka
Pagbigyan mo nang hindi ko magawa kahit hapon
Masaya naman tayong magkasama tuwing uwian

Nais ko lang iparating
Na kahit sobrang busy, nakakapraning
Ikaw lamang ang nais kong makasama sa dapit-hapon
Pagkat tunay kitang mahal, magpakailanman

No comments:

Post a Comment