Saturday, December 5, 2015

Napapanahon

Sabado na naman. Syempre day off ko kaya nandito ako sa Laguna. Pakiramdam ko nga ay ayaw ko ng pumasok muli kasi gusto kong magpahinga ng hanggang limang araw. O kaya naman ay mas matagal pa haha! Sa totoo lang naman ay isang tao na lang ang dahilan kung bakit ako sinisipag pang magtrabaho. Walang iba kundi ang mahal na mahal kong girlfriend.


Siya Si Mau. Dearlove ang tawag ko sa kanya. Ganun din naman ang tawag niya sa akin. Halos isang taon na din kaming nagmamahalan. May tuwa, kulitan. Syempre meron din namang di pagkakaunawaan at iyakan. Madalas parin kaming magkaron ng tampuhan at di pagkakaunawaan, pero bago pa matapos ang araw ay nagkakaayos na din kami agad. Ganun pa man, alam namin na mahal na mahal namin ang isa't isa.

Sobrang dami naming plano. Ang umakyat ng bundok sa Holyweek, ang mag-relax at mag-swimming sa beach sa Puerto Galera o di kaya ay sa Laiya, ang makapag-tour sa ibang bansa, basta madami. Kaya nga puspusan ang aming paghahanda sa mga plano naming yun. Gusto naming ma-enjoy ang buhay namin na magkasama kami.

Kaya lang may pagkakataon talaga na minsan ay kailangan naming magkalayo. Gaya nga ng sabi ko kanina, day off ko at siya naman ay may pasok. Minsan naaawa na nga ako sa kanya kasi alam kong gustong gusto nyang magpahinga. Alam ko kasi ang pagod na nararanasan niya. Ikaw ba naman ang mag-monitor ng duty ng lahat ng empleyado at maging "call-center agent" sa dami ng mga concerns, hindi ka pa madrain at mapagod?

Madalas akong malungkot kapag wala akong magawa para mapagaan ang loob niya. Lalo na sa mga pagkakataong nakakadagdag pa ako sa pagod niya. Ewan ko nga ba, minsan kasi ay sablay ang mga nagagawa ko o di kaya ay nasasabi ko. Pero malaki ang pasasalamat ko kasi matindi ang pag-unawang ginagawa niya sa akin.

Para sa Dearlove ko, salamat sa walang sawang pagmamahal mo. Salamat at lagi kang handang sumuporta sa mga plano at pangarap ko. Alam kong maraming problema at bumabagabag sa isip natin, pero wag mong kakalimutan na nandito lang ako. Pwede mong hawakan ang kamay ko skapag nahihirapan ka na. Kumapit lang tayong mabuti at sabay nating lampasan ang mga problema dearlove ko. Kaya natin to...

Mahal na mahal kita dearlove ko...


No comments:

Post a Comment